Ano,paano at bakit ng pahina...
Ang agam-agam
Maraming taon na ang lumipas noong ako'y nagsimulang magsulat. May mga pagkakataong ang mga salita ay kusang naglalaro sa aking isipan o kung 'di nama'y may mga pangyayari sa'king buhay na pinanghuhugutan ko ng mga kwentong aking nabubuo. Ngayon aking napagnilayang ibahagi ito sainyo. Nagsimula akong magsulat tungkol sa aking mga karanasan sa pamamagitan ng mga berso at dagli at mga talataan na nagbibigay ng hinahon sa magulong isipan. Ngayon narito't nabuo ang Mga agam-agam ni Sisa na ang layunin ay maipalasap sa mambabasa ang mga ideya mula sa aking isipan at makapagbigay ng pagkakataon sa mambabasa na makapagnilay-nilay tungkol sa buhay.
Maaari mong basahin ang mga artikulo mula sa pahinang ito at kung may nais kang sabihin o ikwento, bukas ang pahinang ito para sayo. Magpadala lamang sa akin ng mensahe at ako'y sasagot.
Maligayang pagbabasa!